Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva-Edroza Matute
Isang araw, naigunita ng guro ang
pagsasamang namuo sa kanila ng kanyang naging estudyante. Tandang-tanda pa niya
ang itsura ng kanyang naging estudyante. Para sa guro, mananatiling isang
batang lalaking may kaitiman,kaliitan at walong taong gulang. Nabanggit pa ng
guro na ang bata ay ang pinakamaliit sa klase at isa sa pinakapangit. Ito ay
mayroong bilog at pipis na ilong at kahit ang kanyang pananalita ay mayroon
siyang kakatuwang punto na nagpapakilala na siya’y taga-ibang pook. Marahil
binata o ama na siya ng isang mag-anak. Ang estudyanteng kanyang inaalala ay
ang estudyanteng naging kanyang guro at siya’y natuto dito.
Nagpapahuli
siyang umuwi upang tumulong mag-linis at umuwi ay lilingon muna siya sa guro at sasabihing, “Good Bye
Teacher”. Ang batang ito ay ang pinakamasipag sa klase dahil ito ay may
kusang-loob sa paglilinis. Sa gawi niyang iyon ay lihim niya itong
pinagmamasdan. Pinagtakhan niya ang
pagiging mapag-isa, pagiging tahimik at mahiyain ng batang yaon. Nang
mapagdugtung-dugtong niya ang mga katotohan tungkol sa batang ito ay napagtanto
niya : batang ulila ito na galing lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod
bilang isang utusan. Kalahating araw lamang ang ipinapasok nito upang may
makasama sa pagpasok at sa pag-uwi ay kasama niya ang anak ng kanyang panginoon.
Gusto ng gurong maranasan ng batang iyon ang maging masaya, makitang makipagtakbuhan sa
mga bata at umakyat sa pook na ipinagbabawal.
Pinaggawa
ng guro ang bata katulad ng pagkuha ng kanyang tsinelas at pagbibili ng kanyang
minindal sa tapat na tindahan hanggang
sa hindi na kailangan sabihin kung ano ang dapat niyang bilhin at gawin. May
namuong isang tahimik na ugnayan sa guro at sa bata. Naramdaman niya ang
pagkakaroon niya ng malasakit sa bata. Nahuhuli na niya itong
nakikipagtakbuhan, pagpapadulas sa mga pagitan ng mga hanay ng upuan at ang
pag-akyat sa mga pook na ipinagbabawal. At ang kanyang, “Good Bye Teacher” ay
tumataginting na. Lalo siyang naging malapit sa guro ngunit isang araw, mainit ang ulo ng guro at nagawa nito ang di
inaasahan. Hindi na nito maalala kung ano ang kanyang ginawa sa bata upang ito’y
ikanliit ng bata sa upuan nito. Nakaligtaan nito ang kalumbayan ng bata noon. Di nagpadulas
ang bata samantalang ginawa ng bata ang kanyang ginagawiang gawin. Umalis ang
bata nang hindi nagsasabi ng “Good Bye Teacher”. Tanong ng tanong ang guro sa
sarili kung ano ba ang kanyang ginawa at poot sa kanya ang batang iyon. Nagulat
ang guro at bumalik ang bata upang magsabi ng, “Good Bye Teacher” sa kanya. Isa
lamang ang napagtanto ng guro, ang kanyang estudyante ay naging kanyang guro
marahil dahil sa aral na kanyang nakuha, di sa labas na kaanyuan nakikita ang
tunay na ugali.